Imperial Couples

      
video
     

     Ang mga Imperial Brothers ay kakaiba magmahal, matatalino sila at asahan niyong sa buong storya ay magpapamalas sila ng kanilang katalinuhan at mga istratehiya upang makuha ang puso ng mga taong mahal nila.

      Hindi sila sumusuko, hindi nagpapatalo sa ano mang laban mapa-business man o pag-ibig ngunit kahit mayaman sila ay hindi sila gumagamit ng dahas o pera upang manalo sa halip ay isip ang ginagamit nila.

      Basa na at mamangha sa Imperial Brothers na sina Lord Kelvin, King Arthur at Alexander The Great.



His Human Collateral Tomoko Yamazaki



     Isa ang mga Yamazaki sa mga naluluging kumpanya na tinulungan ni Kelvin na makabangon. Lingid iyon sa kaalaman ni Tomoko Yamazaki kaya nagulat na lang siya ng sa araw ng debut niya ay sumulpot bigla ang isang lalakeng nagpakilalang 'Lord' Kelvin Imperial upang kunin ang collateral ng pinautang nito noon sa kanyang ama.

     Dito matutuklasan ni Tomoko na siya pala ang... HUMAN COLLATERAL.







The Dark Secret of Imperial Family



     Hindi maintindihan ni Alexander kung bakit palaging pinagtatagpo ang landas nila ni Crystal Saavedra, ang modelo ng kanilang Sophisticated perfume.


     Yun pala ay isang lihim ng Imperial family ang nakatakdang mabunyag na babago sa kanilang mga buhay.


     Ngayon ay kakailanganin niyang pakasalan ang babaeng kinaiinisan niya at inis din sa kaniya upang mapanatiling lihim ang madilim na nakaraan ng kanilang mga pamilya.







One Night Only



     Hindi lang isa kundi maraming beses nang pina-kancel ni Arthur Imperial ang kasal nilang dalawa ni Yumi Buenaventura.


     Bagama't arrange marriage lang ay matagal nang nahulog ang damdamin ng dalaga para sa binata ngunit napag-alaman niyang ito pala ay isang casanova.


     Dahil dito ay nagdesisyon si Yumi na kalimutan na si Arthur kaya pagkatapos ng huling gabi ng kanilang pagkikita ay magpapakasal na siya sa iba. Ngunit bakit tila ito pa ang gabing naging hudyat upang mahulog na ng tuluyan ang mailap na casanova sa kaniya?

     Anong mangyayari sa kanila kung ang gabing tumigil na siya sa pagmamahal kay Arthur ay ang gabing nagsimula naman itong mahalin siya?



Read Here : http://www.wattpad.com/story/4605904-imperial-brothers-alexander-the-great-king-arthur




1 comment:

  1. HOHOHO :D Isa ito sa pinaka-favorite kong basahin sa wattpad !!! ^__^ @author: nasayo na ang lahat ;))
    de, joke lang. pero seriously .. maganda talaga.. yung plot, choice of characters., story, choice of song .. nakatatak talaga! and most of all .. yung video! parang pang movie ! ^^ the BEST ! <3
    I love Kelvin Imperial !!!! :D sorry Tomoko xD pero kung sa story .. kay Arthur Imperial ako. Pina-iyak niya ako ng bonggang-bongga ehh ! T^T

    ReplyDelete